Ipinagmalaki ng San Juan City Police na walang naitalang casualty o fire-cracker related injury o sugatan sa lungsod sa nakalipas na pagsalubong sa taong 2020.
Ayon kay San Juan City Chief of Police, Police Col. Jaime Santos, isang linggo bago sumapit ang Disyembre 31, 2019 ay puspusan na ang paalala sa mga residente sa lungsod na bawal magpaputok at mag-inuman sa lansangan.
Paliwanag ni Santos na wala rin aniyang naitalang anumang away kumpara sa mga nakalipas na taon at hindi nila pinayagan ang pagkakaroon ng fire cracker zone.
Nagpapasalamat naman si Santos sa pakikiisa o Joint Effort ng Police, Barangay at ang Bureau of Fire Protection sa puspusang kampanya laban sa firecracker at mga nag-iinuman sa mga kalye.
Facebook Comments