Nakatakda na ring isailalim sa State of Calamity ang San Juan City dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, alas 2:00 mamayang hapon, makikipagpulong siya sa City Disaster Risk Reduction and Management Council para sa posibleng pagdedeklara ng State of Calamity ngayong araw.
Sinulatan na rin niya ang City Council para pag-usapan ang pagpapatupad ng curfew simula mamayang alas 8:00 ng gabi.
Kagabi nang aprubahan ng 17 lokal na pamahalaang lungsod ang resolusyon na magpatupad ng curfew.
Sa ngayon, nakapagtala na ng 13 kaso ng COVID-19 sa San Juan at lahat sila ay nasa stable na kondisyon.
Una nang isinailalim sa State of Calamity ang Las Piñas City.
Facebook Comments