San Juan City PNP, nakapagtala ng 137 families na inilikas matapos manalasa ang Bagyong Rolly

34

Aabot sa 137 pamilya o katumbas ng 604 na indibidwal ang naitala ng San Juan City Police Station na lumikas matapos na manalasa sa Metro Manila ang Bagyong Rolly.

Ang mga inilikas ay pansamantlang tumuloy sa Nangka Elementary School, Malanday Elementary School, Mandaluyong Addition Hills Elementary Schools, Addition Hills Integrated School at Andres Bonifacio Integrated School.


Batay pa sa ulat ng San Juan PNP, walang naitalang sugatan, namatay o nawawala nang maramdaman ang pananalasa ng Bagyong Rolly sa Metro Manila.

Wala rin anilang naitalang looting incident.

Sa ngayon, patuloy na nakaalerto ang San Juan PNP.

Facebook Comments