San Juan City Rep. Ronaldo Zamora, dumepensa sa pagpapabakuna ng apat na doses ng COVID-19 vaccine

Dumipensa si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora kaugnay sa ginawa nitong pagpapabakuna ng apat na doses ng COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Zamora na inirekomenda ng kanyang mga doktor ang pagkakaroon ng booster shot dahil sa kanyang commorbidities.

Nabatid na sumailalim sa quadruple bypass at kidney transplant ang mambabatas anim na taon na ang nakararaan habang tinamaan ito ngayon ng immunocompromised.


Sinabi ni Zamora na sa ngayon ay maayos ang kanyang kalusugan at wala itong naranasang side effect, pero kailangan pa rin niyang sumailalim sa antibodies test upang masiguro na walang adverse effect ang bakuna.

Sa kabila nito, hindi naman inirerekomenda ni Zamora na magpa-booster shot ang publiko lalo na’t kung walang basbas ng kanilang mga doktor.

Facebook Comments