San Juan City, walang naitatalang namamatay sa COVID-19 sa nakalipas na ilang araw; mga nakaka-recover nadagdagan pa

Ipinagmalaki ni San Juan City Mayor Francis Zamora na sa nakalipas na tatlong araw ay walang naitatalang namamatay dahil sa Coronavirus Disease sa lungsod ng San Juan.

Sa kanyang Facebook post sinabi niĀ  Mayor Zamora na kahapon ay apat pa ang naidagdag sa bilang ng gumagaling sa COVID-19.

Sa tala ng San Juan City Health Department, pitong Barangay ay walang naitatalang kaso ng namamatay habang ang Barangay Onse ay wala nang kaso ng tinatamaan ng COVID-19 dahil tuluyan nang gumalingĀ  ang nag-iisang residente na nahawaan ng sakit.


Muling nagpaalala si Mayor Zamora sa mga taga-San Juan na sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng IATF lalo na ang Social Distancing.

Mahigpit na ipinagbabawal sa San Juan ang lumabas ng bahay na walang suot na Facemask, at sinumang mahuling lumabag ay may karampatang multa dahil isa na itong Ordinansa.

Facebook Comments