Pansamantalang sasagutin muna ng Lokal na pamahalaan ng San Juan ang renta ng mga rice retailer sa Agora Public Market para sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nakipag-usap na umano siya sa owner ng naturang public market upang bayaran muna nito ang renta ng rice retailers bilang tulong na rin sa kanilang mga gastusin bilang pagsunod na rin ng mga ito sa itinakdang rice celling sa presyo ng bigas.
Dagdag pa ng alkalde, bukod sa matatanggap na financial assistance ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay daragdagan pa nito ng P5,000 ang ayuda mula naman sa San Juan City.
Samantala, nagpapasalamat naman si Mayor Zamora sa national government dahil na rin sila ang unang lungsod na mabibiyayaan ng financial assistance sa rice retailers.