San Juan LGU, tuloy-tuloy ang house-to-house vaccination

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na tuloy-tuloy ang pagbabahay-bahay ng city health office nito upang magbigay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga senior citizen at bedridden residents ng lungsod.

Ayon kay Mayor Zamora, bahagi iyon ng kanilang mapping operation para masiguro na lahat ng mga kwalipikadong residente ng lungsod ay mabakunahan laban sa naturang sakit.

Layunin din anya nito na matiyak na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga residente ng lungsod na hindi makapunta sa mga vaccination site ng lungsod.


Panawagan naman ng alkalde sa mga pamilyang may bedridden o mga senior citizen na hindi kayang magpunta sa mga vaccination site na makipag-ugnayan sa sa kanilang hotline na 137-135 o magtungo sa kanilang barangay.

Facebook Comments