San Juan Mayor Zamora, may pakiusap sa mga residenteng na hindi nakapunta sa original na schedule para 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccine

42

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang mga residente na bigong makapunta sa araw ng kanilang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine na tumawag sa San Juan hotline na 137-135 para sa re-scheduling.

Ayon kay Mayor Zamora, ito ay para sa mga hindi nakapunta sa kanilang scheduled 1st o 2nd dose o kung sakaling hindi na-text para sa kanilang 2nd dose.


Pero dagdag ng alkalde, kailangan munang hintayin ang confirmatory text para naman n sa mga residente na nagparehistro na ngunit hindi pa nakakatanggap ng text.

Sa ngayon ay limitado pa rin ang vaccine supply mula sa national government habang hinihintay ang binili ng lokal na pamahlaan na nasa 100,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Facebook Comments