San Juan Medical Center, nangangailangan ng mga nurse

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng San Juan na nangangailangan ngayon ng karagdang mga nurse ang San Juan Medical Center o SJMC.

Batay sa announcement na pinost sa facebook page ng San Juan City government, ito ay bukas lamang para sa mga nurse na taga San Juan.

Para sa mga interesado, maaaring pumunta sa Office of Chief of Clinics ng SJMC kung saan bukas ito mula Lunes hanggang Huwebes at hanapin si Nurse Maria Graciela Dianela.


Para sa karagdagan impormasyon at iba pang katanungan maaari rin tumawag sa 8725-9338 o 8725-3928 loc. 205.

Facebook Comments