San Juan Science High School COVID-19 Overflow Quarantine Facility, bubuksan na

35

Pasisinayaan mamayang ala una ng hapon ang COVID-19 Overflow Quarantine Facility o tinawag nilang San Juan COVID-19 Kapinga Kontra Korona Center na matatagpuan sa New San Juan Science High School Building, Pinaglabanan St., San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora ang San Juan COVID-19 Kalinga Kontra Korona Center ay mayroong 100-bed facility biglang paghahanda sa paglobo ng mga kaso ng persons under investigation (PUIs) dahil mahalaga umano na maihiwalay ang mga PUIs sa San Juan upang maiwasan ang community transmission dahil sa COVID-19.


Paliwanag ng alkalde sasagutin ng Alumni Association of Xavier School ang mga hospital beds, mobile x-rays, medical supplies, medicines, medical at iba pang frontline personnel, maging ang pagkain at inumin at iba pang pangangailangan ng mga personnels.

Agad na tatanggap ng mga PUIs ang San Juan Science High School COVID-19 Overflow Quarantine Facility matapos ang blessing.

Facebook Comments