Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa San Lazaro hospital.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, medical director ng ospital na nakapagtala na sila ng walong namatay dahil sa sakit.
Lumobo na rin sa 149 ang bilang ng kaso ng leptospirosis na kanilang naadmit.
Naitala ang naturang bilang sa loob ng isa at kalahating linggo lamang kumpara sa mga nagdaang buwan na nasa hanggang tatlo lamang ang naitatala.
Ang mga biktima ay mula 19 hanggang 69 taong gulang, at mga na-expose sa baha nitong nagdaang Bagyong Carina at Habagat.
Facebook Comments