SAN MATEO DIALYSIS CENTER, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pormal na binuksan ang bagong Dialysis Center sa bayan ng San Mateo, Isabela noong ika-28 ng Disyembre, 2024.

Ang nasabing pasilidad ay itinayo upang magbigay serbisyo sa mga dialysis patient sa lugar, na inaasahang magiging malaking tulong para sa kanilang pangangailangang medikal.

Ayon kay Municipal Mayor Atty. Gregorio Pua, katuparan ito ng pangarap ng mga pamilya ng dialysis patients na magkaroon ng sariling dialysis center sa kanilang bayan. Dagdag pa niya, libre ang serbisyong ito para sa mga may PhilHealth, na isang mahalagang benepisyo para sa mga mamamayan.


Ang proyekto ay isa na namang tagumpay para sa bayan ng San Mateo, na patuloy na naglalayon na mapabuti ang kalusugan at kagalingan ng mga nasasakupan nito.

Facebook Comments