San Miguel Beer coach Leo Austria at Ginebra Gin Kings mentor Tim Cone, nangunguna sa Coach of the Year Award

Sports – Dahil sa pagdala sa kanilang mga koponan sa titulo sa nakalipas na season, liyamado sa karera para sa Coach of the Year Award ng PBA Press Corps sina Leo Austria at Tim Cone.

Si Austria, na naiuwi ang kampeonato ng Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ang nanalo ng award sa nakalipas na dalawang taon.

Napigilan naman ni Cone na makumpleto ni Austria at ng Beermen ang grandslam nang talunin ng Ginebra ang San Miguel sa quarterfinals ng Governor’s Cup.


Matagumpay na naidepensa ng Gin Kings ang kanilang korona sa Governor’s Cup nang talunin nila ang Meralco sa Game 7 ng finals.

Bukod kay Austria at Cone, kasama rin sa short list sina TNT coach Nash Racela at Star tactician Chito Victolero.

Sa Nobyembre 30 malalaman kung sino ang tatanggaling Coach of the Year.

Facebook Comments