San Miguel Beermen, itinuturing na pinakamalakas na koponan sa susunod na season ng PBA?

Sports – Itinuturing ngayon ni Alaska Aces Headcoach Alex Compton na isa ang San Miguel Beermen na pinakamalakas na team sa PBA sa susunod na season.

Ayon kay Compton, wala pa man ang rookie nilang si Christian Standhardinger ay mahirap na talagang talunin ang Beermen kung saan itinuturing din niya na pangalawang malakas na koponan ang Barangay Ginebra.

Dagdag pa ni Compton, bukod sa kaniya, siguradong nag-iisip na rin ng paraan ang sampung ibang coaches ng team para matalo ang San Miguel lalo na’t mayroon na itong twin towers.


Sinabi pa ni Compton na susulitin nila ang mga laro laban sa San Miguel habang hindi pa raw nagsisimula rito ang Fil-German na si Standhardinger dahil tatapusin pa nito ang kontrata sa Hongkong Eastern Lions sa ASEAN Basketball League (ABL).

Facebook Comments