San Miguel Beermen tabla na sa Star Hotshots sa best of five semifinals ng PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Tabla na ang San Miguel Beermen at Star Hotshots sa 1-1 sa nagpapatuloy na best of five semifinals series ng PBA Commissioners Cup.

Bumida ang 21 points at 10 rebounds ni Charles Rhodes ng Beermen habang nag-ambag ng 25 points at 35 rebounds si Ricardo Ratliffe at Alex Cabagnot na may 13 points at 7 rebounds.

Sa unang quarter ay hawak ng Star ang laro pero nakahabol ang Beermen sa mga sumunod na kwarter.


Bukod dito, masusungkit sana ng Star ang kanilang dalawang panalo kung napasok ni Paul Lee ang kanyang huling tira.
*Final score: 77-76*

* DZXL558*

Facebook Comments