San Miguel Beermen, wagi kontra Phoenix Fuel Masters sa iskor na 100-88 sa best-of-seven semi-finals series

55

Nagwagi kontra Phoenix Fuel Masters ang San Miguel Beermen sa iskor na 100-88 sa unang laban ng kanilang best-of-seven semi-finals series kagabi.

Umarangkada ang Point Guard ng Beermen na si Alex Cabagnot  kung saan siya ay nakapagtala ng 26 points at 7 rebounds kasama ng kanyang 5-of-9 mula sa 3-point line.

Samantala, umalalay naman ng 12 points at 16 rebounds ang Power-Forward Center na si Christian Standhardinger.

14 point sina Chris Ross at Marcio Lassiter, 9 points at 9 rebound naman si June Mar Fajardo.

Habang si Matthew Wright ang siyang nanguna sa hanay ng Phoenix na nakapagtala ng 22 points.

Facebook Comments