Nagdeklara na ng state of calamity ang bayan ng San Miguel, Bulacan kasunod ng nararanasang malawakang pagbaha doon dahil sa Bagyong Karding.
Sa regular session ng 11th Sangguniang Bayan ng San Miguel kahapon, isang resolusyon ang ipinasa na nagsasailalim sa buong munisipalidad sa state of calamity bunsod na rin ng iniwang pinsala ng bagyo sa agrikultura, kabuhayan at imprastraktura.
Sa ulat pa ng Municipal Social Welfare and Development Office at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 30,081 na kabahayan, 39,903 pamilya at 133,095 na indibidwal ang apektado ng bagyo.
Samantala, una nang isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Karding ang buong probinsya ng Nueva Ecija, Polillo Island at General Nakar sa Quezon Province.