Nag-remit ang San Miguel Corporation ng 30-billion pesos sa national government.
Kasunod ito ng pormal na pag-take over ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) sa NAIA nitong September 14.
Ang naturang halaga ay natanggap na ng Bureau of the Treasury.
Ayon sa Finance Department, inaasahan naman na kikita ang gobyerno ng ₱900 billion mula sa naturang 15-year concession period, kung saan maaari rin itong ma-extend ng sampung taon.
Una na ring kinumpirma ng Transportation Department na ang naturang rehabilitasyon ay makakalikha ng 58,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Kabilang sa modernisasyon na ginagawa ng NNIC sa NAIA ang aircraft parking bays, parking slots, installation ng world-class systems and technology, convenient land transport connectivity, at iba pa.