Mas pinagtitibay pa ang emergency response sa mga bara-barangay sa bayan ng San Nicolas sa upang maging agaran ang pagresponde sa mga health emergencies sa mga komunidad sa nasabing bayan.
Alinsunod dito ang pamamahagi ng mga medical equipment na napapaloob sa Barangay Health Package tulad ng Fetal Doppler, Weighing scale with BMI calculator, Dressing cart, Instrument cabinet, Examining table with stirrups, Medicine cabinet, Minor surgical set, Mechanical bed 3 cranks, EENT diagnostic set, Weighing scale for infant, and Spine board na tutulong sa layuning maging epektibo ang mga pagresponde sa barangay level.
Kasabay naman ng pamamahagi ay ang pagtuturo sa mga opisyales at responders ng barangay ang tamang paggamit ng mga kagamitan at magkakaroon naman ng isang in-depth orientation upang mas malinang ang mga ito sa komprehensibong kaalaman para sa wastong paggamit ng mga nasabing equipment.
Samantala, nauna nang napamahagian ng mga kagamitan ang nasa higit siyam na barangay sa nasabing bayan.
Naging possible naman ito sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa tanggapan ng 6th District Representative ng Pangasinan at sa Kagawaran ng Kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments