SAN NICOLAS, PANGASINAN – Maituturing naman ng kabilang sa “Unrestricted” classification ang bayan ng San Nicolas matapos na maabot nito ang herd immunity level ng nabakunahan kontra COVID-19 na mga residente.
Kamakailan ay naitala nito ang 73% ng na vaccinated na binubuo ng 23,759 eligible population at umabot sa 17,437 ang vaccinated na nagbibigay kasiguraduhan sa kaligtasan ng publiko.
Ang pagkakabilang sa “Unrestricted” classification ay nangangahulugan lamang na ang restriksyon na iiral ay luluwagan na dito.
Ang mga bagong restriksyon ay nakasaad sa EO 35 na inilabas ng lokal na pamahalaan na pirmado ng alkalde.
Kaugnay nito ay inaasam ngayon ang unrestricted celebration ngayong holiday season sa buong bayan at upang may pagkakataon na makauwi sa kada pamilya.###