Walang naitalang nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong sa Bagong Taon sa bayan ng San Nicolas, batay sa ulat ng Rural Health Unit (RHU).
Ayon sa RHU, naging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng mga residente, at wala ni isang naitalang biktima ng paputok o mga improvised firecrackers.
Dagdag pa rito, malaking tulong ang mahigpit na kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa paggamit ng mga maingay na tambutso o muffler ng motorsiklo, na nakapagbigay ng tahimik at ligtas na kapaligiran para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments