Isinailalim sa temporary lockdown ang San Roque Cathedral sa Caloocan City kasunod ng pagkamatay ng isang pari dahil sa COVID-19.
Ayon kay Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) president-elect at Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, nagpositibo post-modern swab testing si Fr. Manuel Jadraque Jr. ng Mission Society of the Philippines.
Mula Monumento, nagtungo sa cathedral si Fr. Mawe sakay ng tricycle.
Pero pagkarating sa simbahan, hindi na kumikibo ang pari at sobrang putla.
Isinugod siya sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.
Si Fr. Mawe, 58-anyos, ay fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay Fr. David, hiniling na nila sa lokal na pamahalaan na kuhanan ng specimen sample si Fr. Mawe para maisalang sa genome sequencing at matukoy kung anong COVID variant ang tumama sa kanya.