Itinigil na ng National Power Corporation–San Roque Dam Office ang pagpapakawala ng tubig kahapon, Lunes, matapos bumaba ang lebel ng tubig sa ibaba ng spilling level na 280 metro above sea level (masl).
Sa isang pahayag, sinabi ni Flood Operation Manager Teresa Serra na nasa 275.29 masl ang antas ng tubig sa dam pagsapit ng alas-8 ng umaga, kahapkn kaya naman agad itinigil ang pagpapakawala ng tubig bandang alas-8:30 ng umaga.
Bagama’t itinigil na ang discharge ng tubig sa San Roque Dam, patuloy pa ring naglalabas ng tubig ang mga Binga at Ambuklao Dam na sinasalo ng San Roque Dam.
Noong Linggo, binuksan ng San Roque Dam ang dalawa pang gates, kaya’t umabot sa kabuuang pitong metro ang pinakakawalan nito mula sa dating limang metro upang mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig sa reservoir.
Sa ngayon, karamihan sa mga ilog sa lalawigan ay nasa normal, bahagyang mababa, o bahagyang mataas sa karaniwang antas.
Samantala, humupa na rin ang pagbaha sa ilang lugar na dulot ng mga nakaraang sama ng panahon.
Facebook Comments









