Malayo pa sa Critical level ang lagay ng tubig sa San Roque Dam—yan ang pagtitiyak ng PAGASA.
Ayon sa ulat ng tanggapan, alas-8:00 ng umaga, kahapon, araw ng Miyerkules, Hulyo 23, 2025, nasa 247.66 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa San Roque Dam.
Malayo pa ito sa critical level na 280.00 masl kung kailan pinapayagang magpakawala ng tubig ang dam.
Pinayuhan ang publiko na huwag maniwala sa mga kumakalat na maling balita tungkol sa umano’y pagpapakawala ng tubig.
Samantala, Patuloy naman ang monitoring ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









