SAN ROQUE POWER PLANT NILINAW NA HINDI ANG NARARANASANG BROWN OUT ANG DAHILAN NG KANILANG PAG-SHUTDOWN

Nilinaw ng kompanyang San Roque Power Plant na hindi umano dahil sa nararanasang brownout sa lalawigan ang dahilan ng kanilang pag-shutdown.

Saad ni Tom Valdez ang Vice President for Corporate Affairs ng San Roque Power Corporation, taunan itong ginagawa ng kanilang tanggapan upang paghandaan ang panahon ng tag-ulan.

Ang nasabing pagshutdown ay ginagawa ng ahensya sa tuwing mababa ang lebel ng tubig sa dam.


Samantala, June 15 pa inaasahan na magbabalik ang operasyon ng naturang power plant.

Facebook Comments