SANAY NA | Andrea Brillantes, deadma lamang sa mga bashers nito sa social media

Manila, Philippines – Deadma na lamang daw ang young actress na si Andrea Brillantes sa mga bashers at negative comments na kaniyang nababasa at nakikita sa social media.

Say ni Andrea, sanay na sanay na raw siya sa mga ganitong uri ng tao na hindi ina-appreciate ang mga good things na kaniyang nagagawa o natatamasa sa buhay.

Sinusubukan din niyang huwag maapektuhan ng anumang hindi magagandang opinyon tungkol sa kanya.


Nais din niyang gawin kung ano ang dapat para sa ikagaganda ng kaniyang buhay at ipinagdarasal na lang din niya ang mga taong naninira sa kaniya.

Hangga’t maaari ay iniiwasan na daw niyang mag-check sa social media dahil parang “toxic” na raw ito sa buhay ng tao.

Facebook Comments