SANAY NA? | VP Robredo, inaming hindi siya inimbitahan sa state dinner para kay Chinese Pres. Xi

Manila, Philippines – Hindi inimbitahan si Vice President Leni Robredo sa state dinner na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay Chinese President Xi Jinping noong November 20.

Kasabay ng question and answer portion mula sa mga negosyante at iba pang miyembro ng Rotary Club of Makati West, tinanong si Robredo kung paano niya kinakaya ang katotohanang nasa ‘laylayan’ siya ng pulitika.

Ayon kay Robredo – hindi lamang siya ang nama-‘marginalized’, maging ang kanyang opisina na Office of the Vice President (OVP).


Aniya, sanay na siya na iimbitahan siya sa mga okasyon pero bigla itong babawiin.

Hindi mahalaga sa Bise Presidente kung hindi siya nakatatangap ng anumang imbitasyon sa mga event basta at nakatutulong ang kaniyang opisina sa mga Pilipinong nangangailangan.

Facebook Comments