SANCTION | 17 Saudi national, pinatawan ng sanctions ng U.S. Treasury

Istanbul, Turkey – Pinatawan ng sanctions ng U.S. Treasury ang 17 Saudi Arabian national dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagpatay sa journalist na si Jamaal Khashoggi sa Istanbul, Turkey.

Ito ang unang matibay na tugon ng Trump administration sa kaso.

Kabilang sa mga pinarusahan ay si Saud Al-Qahtani, dating top aide ni Crown Prince Mohammed Bin Salman, maging si Saudi Consul General Mohammed Alotaibi.

Ayon kay Treasury Secretary Steve Mnuchin, ipatutupad ang mga sanctions sa ilalim ng Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, na target ang mga perpetrator ng serious human rights abuses at corruption.

Patuloy na tinutukot ng Washington ang tunay na nangyari sa kaso at tiniyak na papanagutin ang lahat ng dawit sa pagkamatay ni Khashoggi.

Facebook Comments