SANCTION | SBP, pagmumultahin kasabay ng pag-atras sa 2018 Asian Games

Manila, Philippines – Posibleng patawan ng sanction ang Pilipinas matapos umatras ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 2018 Asian Games.

Ayon kay Philippine Olympic Committee o POC President Ricky Vargas, inaasahan na ng SBP na pagmumultahin ito ng Olympic Council of Asia dahil sa pull out ng bansa ilang linggo na lamang bago ang kumpetisyon.

Hindi naman masabi ni Vargas kung bukod sa multa ay may hiwalay pang parusa sa Pilipinas.


Kasabay nito, tiniyak ni Vargas na hindi madadamay ang ibang uri ng palakasan na sinasalihan ng bansa.

Desisyon lang aniya ito ng SBP kaya dapat na hindi ito makaapekto sa POC at ibang sports.

Facebook Comments