Pinatawan ng U.S. ng sanction ang ilang matataas na opisyal ng police at militar sa Myanmar kasunod ng isinagawa nilang “ethnic cleansing” at mga human right abuse.
Ayon kay U.S. Secretary of States Mike Pompeo, pinatawag nila ang mga opisyal na sina Military Commander Aung Kyaw Zaw, Khin Maung Soe, Khin Hliang at Boarder Police Commander Thura San Lwin.
Dahil dito, ipi-freeze nila ang mga assets ng nasabing opisyal at sila ay pinagbawalang magpunta sa Amerika.
Nakatakda ring ilabas ng U.S. ang kanilang imbestigasyon sa ginawang ‘crackdown’ ng Myanmar sa August 25.
Facebook Comments