Sa halip na karaniwang basura, mga sako ng buhangin ang natuklasan ng City Engineering Office at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa loob mismo ng drainage system sa Barangay Tapuac.
Natuklasan ito sa isinagawang clearing operation gamit ang vactron machine, matapos mapansin ang patuloy na pagbaha sa lugar kahit huminto na ang ulan.
Ayon sa mga inisyal na ulat, ang mga natagpuang sandbag ang pangunahing dahilan ng pagbabara at mabagal na agos ng tubig.
Kasalukuyang iniimbestigahan kung paano at bakit napunta ang mga sako ng buhangin sa linya ng drainage at maaaring managot ang sinumang responsible kung sinadya o napabayaan ang mga sandbag.
Samantala, tiniyak naman ng City Engineering Office na magpapatuloy ang dredging at clearing operations upang mapigilan ang pagbaha at mapanatiling ligtas ang mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









