Sandals na gawa sa bato, pero kasing bigat ng papel?

40

Panghimagas – Isang sikat na fashion outlet ang nagbebenta ngayon ng kakaibang sandals na gawa sa bato.

Ang petit na likha ng sikat na fashion store na hermes ay gawa sa “galet pebbles” na may leather strap kung saan kasing bigat lamang ng papel ang batong sandals na ito.

Naisip ng Hermes na gumawa ng ganitong klaseng sandals bilang bahagi na din ng plano nilang pagre-recycle ng mga natitirang leather mula sa ginagawa nilang bag at iba pang gamit.

Mabibili ang nasabing sandals sa halagang $840.00 (P43,000.00) at nakatakda itong ibenta sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments