SANDAMAKMAK NA LANGAW DAHIL SA UMANO’Y KABILANG POULTRY FARMS SA UMINGAN, PANGASINAN, INIREREKLAMO

Problemado ang ilang mga residente sa isang barangay sa Umingan, Pangasinan, dahilan ang inirereklamong sandamakmak na mga langaw araw-araw.

Ayon sa isang concerned resident mula Brgy. San Juan na nagbahagi ng kanyang saloobin, mahigit isang taon na umanong suliranin ng mga kabahayan ang pagdami ng mga langaw sa kanilang barangay.

Nakikitang dahilan umano ng mga ito ay ang mga operational na poultry farms sa dalawang kalapit na barangay.

Pangamba ng mga ito ang sakit na maaaring makuha umano sa langaw. Dagdag nila, kahit gaano raw kalinis ang mga ito sa kanilang kapaligiran, hindi rin umano mapipigilan ang pagdating ng mga langaw.

Minsan pa raw ay humahalo na ito sa kanilang kinakain.

Nananawagan ang mga residente sa Brgy. San Juan sa kinauukulan ng aksyon upang maibsan umano ang kanilang kinakaharap na problema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments