SANDBAGGING AT GABION REPAIR SA NASIRANG DIKE SA CALASIAO, NAGPAPATULOY

Patuloy ang paglalagay ng sand bags at gabion sa kahabaan ng nasirang dike sa Barangay San Vicente, Calasiao.

Layunin ng isinasagawang pagkumpuni na mapatatag ang dike at maiwasan ang pag-agos ng tubig patungo sa mga mababang lugar tuwing may malakas na ulan o bagyo.

Ang pagkasira ng naturang dike ang itinuturong dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig at pagbaha sa ilang kalapit na barangay sa bayan na umabot hanggang sa Dagupan City noong mga nagdaang bagyo.

Patuloy ang operasyon ng DPWH sa lugar bilang bahagi ng mga hakbang upang mapigilan ang muling pagbaha at maprotektahan ang mga residente sa mga low-lying areas ng Calasiao.

Facebook Comments