Sandiganbayan Binasura Ang Hirit Nina Jinggoy Estrada At Janet Napoles Na Makapagpiyansa.

2

MANILA – Pinagtibay ng sandiganbayan ang desisyon nitong nagbasura sa hirit nina Jinggoy Estrada at Janet Lim-Napoles na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.Sa resolusyon ng Fifth Division ng Anti-Graft Court, binigyang diin ng korte na wala itong nakitang merito sa Motion for Reconsideration nina Estrada at Napoles para payagang makapaglagak ng piyansa ang mga ito.Matatandaang iginiit ng Sandiganbayan sa desisyon nito sa bail motion nina Estrada at Napoles na matibay ang ebidensya ng prosekusyon sa umano’y pagkaka-divert ng pork barrel fund ng senador sa mga proyekto ng ilang bogus na organisasyon.

Facebook Comments