
Nagbigay ng direktiba ang Sandiganbayan Sixth Division sa prosekusyon na magsumite ng kumpletong listahan ng lahat ng testigong ihaharap at dokumentong ipiprisinta sa bail hearing ng mga akusado sa flood control anomaly sa Oriental Mindoro.
Ayon sa utos ng Sixth Division, dapat isumite ng prosekusyon ang naturang listahan at dokumento hanggang sa Lunes, bilang bahagi ng transparency at maayos na daloy ng pagdinig.
Una rito, kinuwestiyon ng depensa ang pagharap ng isang testigo ng prosekusyon na hindi umano nakalista sa kanilang naunang isinumiteng dokumento noong pre-trial.
Sa pag-usad ng hearing ngayong Lunes, iniharap ng prosekusyon ang ikalawang testigo na si Joanne Lacerna mula sa Records Management Section ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office – Human Resource and Administrative Service.
Sa kaniyang 10-pahinang judicial affidavit, tinukoy ni Lacerna ang 201 file ng ilang akusado, kabilang ang personal data sheet, approved appointments, certificates of assumption of duty, at service records nina dating DPWH–MIMAROPA Regional Director Gerald Pacanan at Assistant Regional Director Gene Ryan Altea.
Matatandaan, ipagpapatuloy ang susunod na hearing mula Martes hanggang Huwebes.








