Sandiganbayan, inilabas na ang warrant of arrest laban kay exARMM Governor Nur Misuari

Manila, Philippines – Inilabas na ng Sandiganbayan 3rd Division ang warrant of arrest laban kay dating ARMM Governor at MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng 3rd Division ng Sandiganbayan, naipasa na nila sa PNP-CIDG ang warrant of arrest laban kay Misuari.

Mayroong P460,000 na inirekomendang pyansa ang anti-graft court para sa pansamantalang kalayaan ni Misuari.


Ang dating ARMM governor ay nahaharap sa 3 counts ng malversation of public funds at 3 counts din ng paglabag sa RA 3019 Section 3 o Anti-graft and corrupt practices act.

Ito ay nag-ugat sa maanomalyang pagbili ng mahigit P115M educational kits noong si Misuari ay gobernador pa mula taong 2000 hanggang 2001.

Facebook Comments