Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang motion for reconsideration na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa kasong sibil kaugnay sa ill-gotten wealth o nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Ayon sa anti-graft court, nabigo ang PCGG na magpakita ng sapat na ebidensya para patunayan ang mga alegasyon laban sa mga Marcos.
Wala rin umanong bagong argumento para mahikayat ang korte na tingnan muli ang kanilang naunang desisyon.
Matatandaang nauna nang ibinasura ng anti-graft court ang kasong-sibil kaugnay sa mga nakaw na yaman matapos mabigong patunayan na iligal na nakuha ng pamilya Marcos ang mga kinikwestyong ari-arian tulad ng:
– Philippine Village Hotel,
– Puerto Azul Beach and Country Club,
– Ternate Development Corporation, Fantasia Filipina Resorts, Inc.
– Ocean Villas Condominium Corporation,
– Silahis International Hotel
Kabilang dito ang alegasyong napunta kay dating First Lady Imelda Marcos ang 5% ng franchise tax na binayaran ng Duty Free Shops.
Nabigo umano ang mga ito na suportahan at patunayan ang mga alegasyon laban sa respondents kahit pa may mga hinarap na testigo ang gobyerno.