Sandiganbayan, sinentensyahan si dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan ng 128-taong pagkakakulong dahil sa patong-patong na kaso ng graft at malversation

Sinentensyahan ng Sandiganbayan kahapon si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan ng hindi bababa sa 128 taon sa kulungan dahil sa patong-patong na kaso ng graft at malversation.

Ito ay matapos hatulan ng Sandiganbayan First Division na guilty beyond reasonable doubts si Ampatuan dahil sa four counts ng graft at four counts ng malversation sa pamamagitan ng pamemeke ng dokumento upang mapalabas na gumamit ng 79 milyong piso ang pondo para sa pagkain.

Maliban sa parusang pagkakakulong, siya ay rin habang buhay nang pinagbabawalan na tumakbo sa anumang pwesto sa gobyerno at pinagbabayad ng 79 milyong piso.


Maliban kay Ampatuan, guilty rin sa kaparehas na parusa sina dating Maguindanao Provincial Budget Officer Datu Ali Abpi at mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng lalawigan.

Si Sajid Ampatuan ay kapatid nina Andal Jr. at Zaldy na dawit sa pagpatay sa 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag sa 2009 Maguindanao massacre.

Facebook Comments