Manila, Philippines – Wala paring katiyakan kung makakalaya na si Senator Jinggoy Estrada na halos tatlong taon nang nakabilanggo dahil sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam na ang utak ay si Janet Lim-Napoles.
Maugong na makalalaya na si Jinggoy pero hanggang sa ngayon ay tahimik pa rin at walang kumpirmasyon na galing sa Sandiganbayan.
Kung magugunita, dalawang ulit nang ibinasura ng Anti-graft court ang petisyon ni Jinggoy.
Noong 2016, ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan nito na makapagpiyansa dahil may nakikitang mabigat ang kaniyang pananagutan.
Pagkalipas ng ilang buwan, muli na namang sumubok si Estrada pero muli rin itong nabigo.
Gayunman, may nagsasabi na baka muling nag-file ng petisyon si Estrada lalo pa at iba na ang bumubuo sa dibisyon ng Anti-Graft Court na dumidinig sa kaniyang plunder case.