Manila, Philippines – Tiniyak ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na hindi maiimpluwensyahan ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang korte sa kasong kinakaharap nito kaugnay sa Mamasapano Incident.
Ito ay kahit appointee si Cabotaje-Tang noong panahon ng administrasyong Aquino.
Bagamat sa dibisyon ng Presiding Justice, na-i-raffle ang kaso ng dating Presidente, sinabi ni Cabotaje-Tang na hindi siya mag-iinhibit sa kaso dahil hindi naman sakop ng legal grounds para sa inhibition ang pagkakatalaga sa kanya ni P-Noy sa Sandiganbayan.
Dagdag ni Cabotaje-Tang, lahat silang mga Justices ng Sandiganbayan ay appointee ng iba’t ibang naging Presidente pero sila ay may mga sinumpaang tungkulin na dapat gampanan.
Ani Cabotaje-Tang, strikto nilang ipapatupad ang rules ng korte sinuman ang personalidad na nahaharap sa kaso.