Sandra Cam, dapat isapormal ang reklamo ng katiwalian na nakita sa PCSO – Palasyo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uwi ng katiwalian sa pamahalaan kahit pa sangkot dito ang kanyang mga kaibigan o mga itinalagang opisyal.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng reklamo ni PCSO Board member Sandra Cam na mayroong mga iregularidad sa PCSO na hindi na niya maatim kaya nagbabalak na itong magbitiw sa posisyon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung mayroong nalalamang iregularidad o katiwalian si Cam sa PCSO ay magandang itong sumulat o isiwalan at nalalaman sa Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na nasa ilalim ng Office of the President para ito ay magawan ng aksyon.


Tiniyak ni Panelo na paiimbestigahan ng Pangulo ang kaso sa oras na matanggap ang pormal na reklamo ni Cam.

Binigyang diin ni Panelo na walang pinagkakautangan ng loob ang Pangulo kaya tiyak na wala itong sisinuhin at parurusahan ang mga sangkot sa katiwalian kaibigan man ang mga ito o mga appointees.

Paliwanag pa ni Panelo, walang sacred cow sa administrasyong Duterte.

Sinabi din naman ni Panelo na hindi na kailangan pang hintayin ni Cam na tanggalin siya sa posisyon ni Pangulong Duterte dahil malaya itong magbitiw kung hindi na niya kaya ang katiwalian sa PCSO.

Facebook Comments