Hindi lusot sa isasagawang imbestigasyon ng Office of the President ang mga opisyal ng PCSO lalo na si board member Sandra Cam.
Nabatid na si Cam ang mismong nagbulgar ng korapsyon sa ahensya.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – lahat ng sangkot sa korapsyon sa PCSO ay kasama sa imbestigasyon.
Pero hindi aniya rito kasama si General Manager Royina Garma dahil dalawang linggo pa lamang itong nauupo sa pwesto.
Sinabi naman ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na magsasagawa sila ng lifestyle check kay Cam, PCSO Chairman Anselmo Pinili, board member na sina Marlon Balite at Ramon Seneres.
Hindi rin ligtas sa imbestigasyon si dating General Manager Alexander Balutan.
Facebook Comments