Sandra Cam, Idinetalye Kung Papaano Natunton Si Kerwin Espinosa Sa Abu Dhabi

18

MANILA – Ibinunyag ni Whistleblowers Association of the Philippines President Sandra Cam, kung paano niya natunton sa Abu Dhabi si Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa.Sa isang tv interview kay Cam, sinabi nito na marami ang nakakakilala kay kerwin sa Abu Dhabi lalo na nang lumalabas siya sa mga balita sa Pilipinas.Palakaibigan pa si Kerwin sa mga pilipino roon.Bukod dito, nakatira pa si Kerwin sa isang mamahaling unit ng isang gusali sa Abu Dhabi.Ayon pa kay Cam, humiling si Kerwin na isailalim siya sa Witness Protection Program (WPP).Mahalaga rin aniya kung hanggang saan ang kayang isiwalat ni Kerwin para maipasok siya sa witness protection.

Facebook Comments