Sandra Seifert, nagsalita na sa isyu na siya ang kabit ni Cesar Montano

256

Kalmadong sinagot ng former beauty queen na si Sandra Seifert ang paratang na siya ang kabit ni Cesar Montano.

Ito ay matapos mag-post sa Instagram si Sandra ng larawan ng kanyang five-year-old son na si Corinth Ian na hinahalikan ni Cesar.


Hindi man direktang tinukoy, inamin ni Sandra na matagal nang usap-usapang nabuntis siya noon ni Cesar.

Si Sandra ay kinoronahang Miss Earth Philippines 2009 at hinirang na first runner-up o Miss Air sa Miss Earth 2009 pageant.

Naghiwalay sina Cesar at Sunshine noong 2013. Nag-file si Sunshine ng petisyon para sa annulment ng kasal nila noong 2015.

Facebook Comments