Nadiskubreng tinambakan ng mga patay at durog na coral reef ang Sandy Cay 2.
Ang Sandy Cay 2 ay isa sa apat na sandbar malapit sa Pag-asa Island kung saan laging nakaharang ang mga barko ng China.
Kamakailan lang nang iulat ng Armed Forces of the Philippines – Western Command ang malawakang pag-aani ng mga coral sa Rozul Reef.
Kinumpirma rin ng Philippine Coast Guard ang discoloration ng seabed ng Escoda Reef.
Ayon sa ilang eksperto, ang pagdurog sa mga coral ay karaniwang ginagawa ng Tsina bago ito magsimula ng reclamation activities.
Wala pang pahayag ang AFP-Western Command at ang Chinese Embassy tungkol sa mga nadiskubreng tambak na patay at durog na corals sa Sandy Cay 2.
Facebook Comments