SANG-AYON DIN | Temporary closure ng Boracay, hiniling na rin ng Kamara

Manila, Philippines – Inirekomenda na rin ng Kamara ang temporary closure
ng Boracay kasunod ng problema sa mga establisyimento sa kanilang
wastewater management.

Ito ay kaugnay ng rekomendasyon ng committee report ng House Committee on
Tourism sa resolusyong inihain ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento para
alamin ang hakbang, proyekto at programa ng Department of Tourism sa nga
tourists spots tulad sa Boracay.

Ayon kay House Committee on Tourism Chairman Lucy Torres-Gomez,
maihahalintulad ang Boracay sa isang may-sakit na kinakailangang
maka-recover sa karamdaman.


Aniya, nauunawaan niya ang mga reservations ng iba at magiging epekto sa
ekonomiya kung isasara ang Boracay pero hirit ng lady solon kailangang
mag-sakripisyo upang mapanatili ang ganda ng Boracay at ng iba pang
pasyalan sa bansa.

Ang kailangan aniya ay pangmatagalang solusyon at sustainability para
maisalba ang Boracay.

Umapela si Gomez sa DENR, DILG, DOT at Malay LGU na bumuo ng konkretong
solusyon at magbigay ng timeframe para sa rehabilitasyon ng isla.

Facebook Comments