Manila, Philippines – Naniniwala ang United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo RJ Javellano Jr. na may katwiran si Pangulong Rodrigo Duterte ng sabihin ng Pangulo na ang pagtaas ng inflation rate ay dahil sa economic policy ni US President Ronald Trump.
Pero paliwanag ni Javellana mayroon aniyang internal na pang ekonomiya na polisiya na maaring magawa kaagad bilang solusyon sa problema sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Paliwanag pa ni Javellana dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno lalo na ang mga economic managers ni Pangulong Duterte kasama na rin ang Deparment of Energy at iba pang mga Govt. regulatory agencies na una para Department of finance dapat tanggalin ang 12 percent Value Added Tax, ikalawa tanggalin ang excise tax sa petrolyo, pangat tanggalin ang excise tax sa sugar, ika apat sawatahin ang malalang smuggling na ayon sa nakaraang mga datos mayroong minimun 200 bilyong piso ang nawawala sa gobyerno ng smuggling.
Giit pa ni Javellana, dapat palitan na ng mga patriotikong ekonomista ang mga utak umanong kamote na economics managers ni Pangulong Duterte.