Manila, Philippines – Nagsisisi si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta dahil isa siya sa nagsulong na tanggalin ang death penalty.
Ayon kay Acosta – sang-ayon na siyang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil sa dami ng kanyang nasasaksihang krimen bawat araw.
Ani Acosta – habang buhay ang mga kriminal ay kanila ring nilalabag mismo ang kanilang sariling buhay dahil sa paggawa ng kasamaan.
Umapela ang opisyal sa mga mambabatas na irekonsidera ang pagbabalik ng death penalty para sa kaligtasan ng publiko.
Noong 2004, naging aktibo si Acosta kasama ang ilang mga grupo sa kampanya para alisin ang capital punishment sa Pilipinas.
Facebook Comments