SANG-AYON SA PANGULO | AFP, pabor na armasan ang mga ROTC graduates sakaling maging malala ang terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Sang-ayon ang Armed Forces of the Philippines sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga nagtapos sa Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) sakaling lumala ang terorismo sa bansa.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, malaki ang posibilidad na mangyari sa bansa ang pag-armas sa mga ROTC graduates.

Aniya katulad ng ibang mga bansa partikular ng Switzerland at Israel patuloy nilang sinasanay ang kanilang reserve forces para maging katuwang ng kanilang Armed Forces.


Ganundin aniya ang posibleng mangyari sa bansa kung saan bawat rehiyon ay mayroong reserve unit na kinabibilangan ng mga retired military at ROTC graduate.

Dagdag pa ni Lorenzana na sa ibang bansa mayroon din silang Regional Headquarters Armories kung saan nakaimbak ang mga armas ng mga ito na nais rin nilang gawin dito sa bansa.

Ang mga armas na ito aniya ay maaari nilang gamitin tuwing may training, combat operation, peacekeeping at Humanitarian Assistance and Disaster Relief Operation.

Sa panahon naman na kukulangin ang mga active duty ay magagamit ang mga ito katulad noong panahon ng Marawi Siege kung saan nagamit ang Lanao Del Norte Reserve Battalion.

Facebook Comments